Ilang fresh graduates na nagtapos ng agricultural courses ang nakatanggap ng tatlong ektaryang lupain ng Department of Agrarian Reform.
Ang nasabing programa ni dating DAR Sec. John Castriciones ay iginagawad sa mga agri courses na graduates para ma-practice nila ang kanilang propesyon sa mga sakahan.
Layunin ng programa ni Castriciones na hikayatin ang kabataan na aralin din ang pagsasaka lalo na at tumatanda na ang mga nasa sektor ng pagsasaka. | BNC