fbpx

FORMER COUNCILOR AT KAPATID NG DATING MAYOR NA PINATAY, PINAGBABARIL SA SAN JUAN, BATANGAS

Patay ang 58 taong gulang na negosyante matapos na pagbabarilin ng isang armadong grupo sa kaniyang sariling shop sa San Juan, Batangas nitong Huwebes, Nobyembre 11.

Kinilala ng San Juan police ang biktima na si Francisco Hidalgo Jr., 58-anyos, negosyante, tubong Barangay Quipot, San Juan at residente ng Barangay Santiago, Malvar, Batangas.

Si Hidalgo, na dati ring miyembro ng Philippine Navy, ay dating municipal councilor ng Malvar, Batangas at kapatid ng pinaslang na dating Balete, Batangas Mayor Joven Hidalgo.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng ilang tama ng bala ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Nangyari ang insidente bandang 8:30 ng umaga sa Hidalgo’s furniture-making shop sa Brgy. Sico 1.

Kadadating lang umano ng biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan.

Kasalukuyang nagsasagawa na ng imbestigasyon upang malaman kung sino ang nasa likod ng nangyaring insidente at ano ang motibo ng mga ito. | BNC

About Author