fbpx

MOTORCYCLE RIDER, DEAD ON THE SPOT MATAPOS SUMALPOK SA TRUCK SA LIPA CITY

Patay ang isang motorcycle rider matapos na  sumalpok sa kasalubong na truck sa Brgy., Sabang nitong nakaraang Biyernes Nov. 12, ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jomer Malaluan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2:15 ng madaling araw, binabaybay lamang  ng truck ang daan papuntang  Malvar, Batangas nang bigla na lang inagaw ng kasalubong na motor ang linya ng truck at sumalpok sa unahan nito.

Sa lakas ng salpok ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na dead on the spot sa aksidente.

Nagka-areglo na ang naulilang kaanak ni Malaluan at ang driver ng truck na si Ronnie Rigor matapos na mag-abot ng pinansyal na tulong ang may ari ng truck.

About Author