Ilang concerned netizens mula sa Nueva Ecija, ang nag-upload nitong Nobyembre 16 hinggil sa paglipana ng mga alitangya o rice black bug.
Pasakit raw ito sa mga residente, dahil maliban sa sobrang dami, mabaho rin umano ang amoy nito.
Ilang aksidente na rin sa kalsada ang naitatala lalo na sa Cabanatuan city, dahil sa nagkalat na mga alitangya sa kalsada, kaya dumudulas ang daan.
Samantala, ilang mga ATM machine din ang hindi magamit dahil sa kapal ng alitangya na nakadikit dito.
Sa ngayon hindi pa alam kung ano ang rason ng pagkalat ng mga alitangya. |BNC