fbpx

BBM-SARA UNITEAM, NAGPAKITA NG PWERSA AT LIBU-LIBONG SUPPORTER DUMAGSA

Daan-daang libong supporters nina dating Senador Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio ang lumahok sa caravan for peace, unity and progress bilang pagpapakita ng pwersa.

Inilunsad ang sabayang BBM-Sara uniteam cavalcade, simula alas-8 ng umaga kahapon sa 45 lungsod at bayan sa Mindanao, Bicol, Calabarzon, Abra, ilang bahagi ng Northern Luzon at Metro Manila.

Sa isang malawakang show of force sa bayan ng Carmen at Tagum City, bumuhos ang mahigit sampung libong supporters ng bbm-sara tandem.

Kapwa hinarap ng dalawa ang kanilang supporters at pinasalamatan ang mga ito kasabay ng pangako ni Marcos na babangon daw muli ang mga pilipino habang nanawagan si Sara ng pagkakaisa.

About Author