Patuloy ang gobyerno sa pagsasagawa nito ng mga research study at clinical trial hinggil sa mga COVID-19 vaccines na inaangkat ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Ayon kay DOST Vaccine Expert Panel Head Dr. Nina Gloriani, sa ngayon kasi ay puro injectable pa lamang ang mga available na bakuna sa bansa.
Dagdag pa ni Gloriani na kailangang magpatuloy ang kanilang mga pag-aaral sa mga bakunang inaangkat ng pilipinas lalo na ngayong marami pang covid vaccines na nalilikha na mas ligtas at mas epektibo.