fbpx

IMPORMASYON UKOL SA PRESIDENTIAL ASPIRANT NA GUMAGAMIT NG COCAINE, BINEBERIPIKA NA NG PDEG

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa pamumuno ni PDEG Director PBgen. Remus Medina na beripikahin ang impormasyon ukol sa presidential aspirant na sinasabing gumagamit ng cocaine.

Ito ang tugon ng PNP Chief nang hingan ng reaksyon sa alegasyon laban sa naturang kandidato na nanggaling mismo kay PRRD.

Ayon sa standard operating procedure ng PNP, kung lumabas sa inisyal na imbestigasyon na totoo ang impormasyon, magsasagawa ng case-build up ang mga imbestigador laban sa presidential aspirant para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Samantala, hindi naman direktang pinangalanan ng pangulo kung sino sa mga presidential candidates ang umano’y cocaine user. | BNC

About Author