fbpx

MGA KANDIDATO PARA SA ELECTION 2022, HINIKAYAT NA SUMAILALIM SA DRUG TESTING

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos ang lahat ng mga local at national candidates para sa eleksyon 2022 na sumailalim sa drug testing.

Ayon kay PNP chief, bagamat walang batas na nag-oobliga sa mga kandidato sa eleksyon na sumailalim sa drug testing, magiging magandang halimbawa aniya sa mga Pilipino ang sasailalim dito para mapatunayang hindi gumagamit nang anumang uri ng iligal na droga. | BNC

About Author