fbpx

‘NO WORK, NO PAY’ POSIBLENG IPATUPAD SA DISYEMBRE SA MGA ’DI PA BAKUNADO KONTRA COVID-19

Posibleng maipatupad ang ‘NO WORK, NO PAY’ rule simula December 1 sa mga ‘di pa bakunado kontra COVID-19 para sa mga manggagawang kinakailangang pumasok on-site kung sila ay tatanggi na sumailalim sa mandatory COVID-19 testing sa bansa.

Ito ay ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Teresita Cucueco sa online briefing nitong Lunes, Nobyembre 22.

Matatandaan na sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 148 at 149 na may petsang Nobyembre 12 at Nobyembre 18, simula sa December ay oobligahin na ang lahat ng mga establisyimento at employer na pabakunahan kontra COVID-19 ang kanilang mga empleyadong papasok on-site.

Pagsapit rin ng susunod na buwan, ang lahat ng hindi pa nabakunahan kontra COVID-19 ay kailangang sumailalim sa RT-PCR testing sa sarili rin nilang gastos isang beses kada dalawang linggo upang payagang pumasok sa trabaho.

Dagdag pa ng DOLE, hindi na umano maglalabas sila ng labor advisory patungkol rito ngunit maaari na ring ipatupad ang ‘no work, no pay’ sa mga on-site workers na tatangging magpabakuna at sumailalim sa RT-PCR testing.

About Author