fbpx

MOLNUPIRAVIR, AVAILABLE NA SA BAYANIHAN TELECONSULTATION SERVICE NG OVP

Maari nang mag-supply ang Bayanihan E-Konsulta service ng Office of the Vice President ng molnupiravir para sa mga pasyente na may prescription ng anti-COVID-19 medication.

Ayon kay Bise Presidente Leni Robredo, pumirma na ang opisina nito ng kasunduan kasama ang Qualimed Health Network para matulungan ang mga pasyenteng may molnupiravir na prescription.

Batay sa kasunduan, mag-iisyu ang OVP ng guarantee letters sa ilalim ng kanilang special medical assistance program sa kahit na sinong kwalipikadong pasyente na ire-refer ng volunteer doctors mula sa kanilang teleconsultation service.

Kasunod nito ay gagawa ng karagdagang assessment ang QualiMed facilities at magpe-prescribe ng molnupiravir sa mga pasyente.

Samantala, nagbabala ang isang infectious disease expert at miyembro ng Department of Health’s Technical Advisory Group sa publiko na maging maingat sa paggamit ng experimental antiviral drug molnupiravir.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña , ito ay para lamang sa high risk populations na may mild hanggang moderate COVID-19 infection.

About Author