Negatibo ang resulta ng drug test ni Manila Mayor Isko Moreno at ang tandem nito na si Dr. Willie Ong.
Sumailalim ang mga ito sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaninang umaga.
Sinabi ni Isko, nais nilang patunayan ni Ong na hindi sila gumagamit ng anumang klase ng iligal na droga.
Dagdag pa niya, pinili nila ang PDEA dahil ito umano ang tamang lugar o ahensya para pagsagawaan ng drug test.