fbpx

BINATANG LALAKI, PATAY NANG MASAGASAAN NG VAN

Patay ang isang batang lalaki, matapos msagasaan ng isang van habang naglalakad sa Brgy. Paradahan 2 sa bayan ng Tanza, Cavite nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Armando Pascual Jr., 11 taong gulang mula sa Brgy. Paradahan 2, Tanza, Cavite.

Arestado naman ang driver ng van na nakilalang si Loreto Yacat Jr.

Ayon sa imbestigasyon ng otoridad, dakong 10:30 ng umaga nang maganap ang insidente, kung saan naglalakad ang biktima na bigla na lamang itong salpukin ng van, tumilapon ang biktima dahilan upang magkabali-bali ang ibang bahagi ng buto at maging ang kanyang ulo.

About Author