Tiniyak ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatayo ng karagdagang mga dialysis centers sa mga probinsya sakaling manalo ito sa 2022 national elections.
Ayon kay Marcos, dapat bigyang-pansin ang sitwasyon ng mga dialysis patients na kailangan pang bumiyahe nang malayo o mula probinsya patungong Metro Manila para lamang makapagpagamot.
Sa halip anya na ipambili ng gamot ay napupunta pa sa pamasahe ang malaking ginagastos ng mga pasyente kaya’t panahon na para ilapit sa kanila ang mga dialysis center.