fbpx

TRADISYUNAL NA SABONG PWEDE NA! – IATF

Pinapayagan na ng IATF ang operasyon ng tradisyunal na sabungan.

Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles ang pagbabalik operasyon ng traditional cockfighting sa ilalim ng Alert Level 2 ay dapat na walang pagtutol mula sa Local Government Unit (LGU).

Sinabi pa ni Nograles na dapat ay 50% ang maximum venue capacity at ito ay para lamang sa mga fully vaccinated individuals.

Dagdag pa ni Nograles, dapat ding lahat ng onsite workers at employees ay fully vaccinated.

About Author