
Narito ang naging pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla matapos magsagawa ng internal survey noong Disyembre 1-5 na kung saan nakakuha ng pinakamataas na boto si Presidential aspirant Bongbong Marcos na 62%.
Sa naturang survey, nanguna umano si Former Senator Bong Bong Marcos na nakakuha ng 62%, sinundan naman ito nina Senator Ping Lacson (16%), Vice President Leni Robredo (9%), Mayor Isko Moreno (6%), at Senator Manny Pacquiao (3%).
Naniniwala si Remulla na si Marcos Jr. ang mananalong pangulo.
Samantala, inulan naman ng batikos si Remulla mula sa VP Leni supporters dahil sa pagdedeklara niyang si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos ang mananalong presidente sa halalan 2022, at nakatadhana ito sa kaniya.