fbpx

ENCHONG DEE, KUSANG SUMUKO NA SA NBI QC

PHOTO: ENCHONG DEE FB

Sumuko na ng kusa sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City ang aktor na si Enchong Dee. Ito ay kaugnay sa kasong libel na isinampa sa kanya ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto-2021.

Ayon sa ulat, kasalukuyang naka-detain ang actor sa NBI at hindi pa umano nakapagpiyansa gayung nakalipas na ang office hours nang magtungo ito sa ahensya.

Nahaharap sa kasong Criminal Case No. 03 (2022) for Libel (RPC Art 353) in rel. to 355 of the RPC in further rel. to Sec 4(c) (4) and (6) of RA No 10175 ang aktor.

Nadiin si Dee matapos na magpost umano ito ng umano’y malisyong tweet kaugnay na naging kasalan ni Bautista-Lim kung saan nasabi nitong maaring ang ginamit sa gastusin sa kasal ay ang pondo raw ng party list nito.

About Author