Isang lalaki na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti matapos saksakin ang kanyang asawa sa kanilang tahanan sa Barangay Banog-Banog, sa bayan ng Isabela, Negros Occidental noong Linggo.
Sugatan ang isang babae matapos siyang saksakin ng umano’y asawa nitong may sakit sa pag-iisip, sa Barangay Banog-Banog, Isabela, Negros Occidental Linggo.
Ayon sa town police chief ng Isabela na si Captain Joseph Partidas, natutulog ang mag-asawa nang biglang nagising ang mister dahil sa ingay sa labas ng kanilang bahay. Sinabi ni Partidas na lumabas ang mister sa kanilang bahay para tingnan ang ingay, habang sinusundan siya ng kanyang asawa. Ngunit, bigla umanong sinaksak ng mister ang kanyang misis sa hindi malamang dahilan, ani Partidas.
Dagda pa ni Partidas, nagawa ng misis na tumakas sa kanyang mister at nakahingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay, na kalaunan ay dinala siya sa isang ospital, kung saan siya ay nasa mabuting kalagayan ngayon.
Makalipas ang ilang oras, natagpuang nakabigti ang asawa sa puno na ilang metro ang layo sa kanilang bahay. Ayon sa pamilya ng mag-asawa, mayroong naitalang record na ang asawang lalaki ng sakit sa pag-iisip. | BALISONG NEWS TEAM