fbpx

LALAKING MAY HAWAK NA GRANADA HABANG UMIINOM, ARESTADO SA ISABELA

Arestado ng pulisya ang isang lalaking naglagay ng hand grenade sa kanilang mesa habang nakikipag-inuman sa tatlo pa niyang kasama sa Barangay Eden San Manuel, Isabela.

Kinilala ng mga awtoridad si Romel Velasco, 37-anyos at isang construction worker. Sinabi ni Velasco na wala nang pulutan ang lugar na kinaroroonan ni Velasco at tatlo pa niyang kasama.

Nagulat ang mga kasamahan ni Velasco sa inuman nang kanyang inilabas ang hand grenade at inilapag ito sa kanilang mesa. Agad namang tumakbo para sa kanilang pansariling kaligtasan ang mga kasama ni Velasco na kalaunan ay inulat ito sa mga naka-duty noong mga opisyal ng Barangay.

Narekober ng pulisya ang isang Mk 2 grenade .  Mabuti na lamang at naabutan pa ng mga pulis ang suspek sa lugar, at inihagis ang Granada nang patago. Dagdag pa ng mga awtoridad, mabuti at hindi natanggal ang pin ng Granada at hindi ito sumabog.

Sa inisyal na imbestigasyon, iginiit ng suspek na narekober lang niya ang hand grenade sa bahagi ng Kalinga kung saan ay nagtatrabaho rin siya. Sa ngayon, ay maahaharap sa paglabag sa PD 1866 na may kaugnayan sa Omnibus Election Code si Velasco. | BALISONG NEWS TEAM

About Author