fbpx

PITONG PRISON FACILITIES NG BUREAU OF CORRECTIONS, COVID-19 FREE NA

Idineklara ng Bureau of Corrections na wala nang COVID-19 cases ang pito sa kanilang pasilidad ng bilangguan. Sa pahayag na inilabas nitong Martes, sinabi ni Bureau of Corrections Deputy Director General Gabriel P. Chaclag  na zero cases na ang BuCor sa parehas na Persons Deprived of Liberty and Staff nito mula pa Enero ngayong taon.

Dagdag pa ni Chaclag, naging posible ang zero covid cases dahil sa pagsunod sa mga health and safety protocols, ang pagpapabakuna at ang pagbibigay ng bitamin sa mga PDL at kawani ng mga prison facilities.

Mula nang magsimula ang pandemya ng Covid noong Marso 2020, may kabuuang 688 PDL at 599 na tauhan ng BuCor ang nahawahan. Sa kanila, mayroong 33 preso at walong tauhan ng BuCor na namatay, sabi ni Chaclag.

Magmula ng magsimula ang pandemya nitong Marso 2020, may kabuuang 688 na Persons Deprived of Libery at 599 na tauhan ng BuCor ang natamaan ng COVID-19.  Dalawamput-apat (24) naman na COVID-related death namans  ang naiulat sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, apat (4) sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, dalawa (2)  sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte, at tatlo (3) sa Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, Leyte. | BALISONG NEWS TEAM

About Author