Sinabi ng campaign manager ni Presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na pumapangalawa ito sa presidential race, ayon sa ilang internal survey.
Ayon kay Buddy Zamora, mayroong mga survey na kung saan ay pumapangalawa si Pacquiao sa ilang lugar, na isinasagawa sa isang religious group at naniniwala na sila ay pangalawa na sa presidential frontrunner at dating senador na si Bongbong Marcos.
Sinabi rin ni Zamora na habang nangunguna si Marcos Jr. sa mga pre-election survey, ang pinakamahalagang survey ay ang sa Mayo 9 – mismong araw ng halalan.
Samantala, nang tinanong si Zamora kung naniniwala siyang sapat na ang mga numero para talunin si Marcos, mangyayari lamang ito kung magkaisa at umatras ang ibang mga kandidato. | bchannel news team / intern