Arestado ang isang babae at isang caterer matapos umano nilang lagyan ng marijuana ang mga pagkaing inihain sa kasal ng kanyang partner nitong Pebrero 19 2022.
Kinilala ang mga suspek bilang sina Joycelyn Bryant, 31-anyos na caterer at si Danya Svoboda, 42-anyos, na mismong bride sa naturang kasal sa Florida USA.
Base sa imbestigasyon, inireklamo ang dalawa matapos sumama ang pakiramdam ng mga dumalo sa kasal ni Svoboda noong Pebrero 19. Naramdaman umano ng mga bisita ang mga sintomas na tila ba malakas ang amats ng mga ito sa kanilang sarili.
Ayon pa sa isang affidavit, pumayag si Svoboda na lagyan ni Bryant ng marijuana ang mga pagkain sa kanyang kasal, nang hindi alam ng mga bisita.
Itinanggi naman ng asawa ng bride na si Andrew na may kinalaman siya sa pangyayari.
Nagpositibo diumano sa THC ang lasagna na inihain sa naturang kasal. Gayundin, tatlo sa mga bisita ang nagpa-drug test at nagpositibo sa cannabis.
Sa ngayon, naka-detain ang dalawang suspek sa Seminole County Jail. | jmp