
Patay ang isang 17-anyos na binata nang tamaan ito ng kidlat habang lumalangoy sa Bustos Dam sa Barangay Tibagan sa Bulacan nitong Linggo.
Sa ulat ng mga pulisya, kinilala ang biktimang si Reniel Villante Buela.
Lumabas sa inisyal na imbesitgasyon ng Bustos police na habang lumalangoy ang binata kasama ang kanyang mga kamag-anak ay bumuhos ang malakas na ulan na may paminsan-minsang pagkidlat.
Ayon sa lola ng biktima, tinamaan ng kidlat ang kanyang apo habang bumubuhos ang malakas na ulan. Agarang dinala si Buela sa isang ospital sa Barangay Poblacion upang mabigyan ng paunang lunas ngunit naideklara itong dead on arrival ng doktor.
Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo si Buela dahil sa tama ng kidlat. | Balisong News Team / Interns