
Sinusuportahan ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahilingan ng Department of Education o DEP-ED sa Commission on Elections para sa tatlong libong pisong allowance para sa mga poll worker na nagbigay ng serbisyo noong May 9 elections.
Sa isang press statement ng presidential frontrunner, pinahanga sila umano ng mga guro. Ipinakita nila ang pagmamalakasakit at gamitin silang insipirasyon ng kanyang running mate na si Inday Sara Duterte na paglingkuran ng maayos ang bansa.
Dagdag ni Marcos Jr., dapat ipamahagi ang anumang kompensasyon, honorarium, at allowance bago ang May 24, na nauukol sa Comelec Resolution 10727, Article II ng electoral board.
Nakatalaga sa Section 34 ng COMELEC Resolution ang honoraria at allowance ay dapat bayaran sa loob ng labinlimang araw mula sa petsa ng halalan.
Matatandaang nitong nakaraang linggo, hiniling ni DepEd Secretary Leonor Briones sa Comelec ang pamamahagi ng P3,000 allowance sa mga guro at non-teaching personnel na nagsilbing miyembro ng electoral board para sa pambansang halalan. | via BChannel News Team