fbpx

ISANG BAKA, INARESTO MATAPOS PUMATAY NG BATA

SOUTH SUDAN, NORTH AFRICA | Isang baka ang inaresto ng mga awtoridad matapos nitong patayin ang isang 12-anyos na batang lalaki kamakailan sa South Sudan.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad lang umano ang baka sa isang bukid nang bigla nitong atakihin ang bata, na agad ikinasawi ng bata.

Kasama namang inaresto ang may-ari ng baka.

Ayon pa sa pulisya, “The bull is now under arrest at a police station in Rumbek Central County. The boy was taken to hospital for post-mortem and he was taken home for burial.”

Ayon sa batas ng estado ng Sudan, anumang alagang hayop na pumatay sa isang tao ay awtomatikong ibibigay bilang kabayaran sa pamilya ng biktima.

Sa mga bahagi ng South Sudan, maaaring gamitin ang mga alagang hayop bilang pera — mula sa pagbili ng mga tahanan hanggang sa pagbabayad ng mga dote gayundin sa pagpunan ng mga maling gawain kabilang ang pagpatay. | Balisong News Team

About Author