fbpx

LALAKI SA NUEVA ECIJA, NAGHATID LANG NG KAIBIGAN, PATAY MATAPOS SAKSAKIN NG NAKASALBUONG SA DAAN

Isang lalaki ang patay matapos harangin at pagsasaksakin ng mga nakaalita niya sa kalsada sa Sta. Rosa, Nueva Ecija. Kinilala ang biktima na si Darius Nepomuceno, bente kwatro anyos.

Ayon sa kaanak ng biktima, sakay ng motorsiklo si Nepomuceno para maghatid ng kaibigan nang sila ay harangin ng dalawang suspek na sakay naman ng isang tricycle sa Barangay La Fuente. Dtio, sila ay pinagsasaksak ng mga lalaki. 

Nagtamo rin ng saksak ang kaibigan ng biktima pero nakaligtas ito, habang hindi na nakaabot ng buhay ang biktima nang isugod ito sa ospital. 

Sa imbestigasyon ng mga pulis, lumilitaw na bago ang krimen ay may nakatinginan nang masama sa daan ang biktima at ang suspek dahil parehas silang nakainom at nagyayabangan sa isa’t-isa. 

Sumuko na ang isang suspek, habang hinahanap pa ang isa. | Balisong News Team | Heinrick James Tiangco

About Author