
Nauwi sa bugbugan ang dapat sana ay masayang laro ng basketball nitong Martes ng tanghali sa Sabang Sports Complex, Barangay Sabang, Lipa City.
Ayon sa mga biktima naglalaro lamang sila nang biglang nagkaroon ng girian dahil sa mga hard fouls at kalaunan ito ay nag resulta na sa isang bugbugan.
Sinubukan pa ng isang biktima na kinilala bilang si Kim Nicole Solis na umawat ngunit siya naman ay sinapak ng isang lalaki na kinilala bilang si Mico Patubo residente ng Sitio Palakpak, Brgy Sabang Lipa City.
Dinala naman ang reklamo sa mga opisyales ng Barangay sa Sabang ngunit walang pinatunguhan ang reklamo. Samantalang nagpapagaling naman sa Lipa City District Hospital ang mga napuruhan. | Francis Villafranca