
Tatlong bilanggo ang nakatakas sa Sasa Police Station, ito ay matapos kumpirmahin ng Davao City Police nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat ni Police Maj. Maria Teresita Gaspan na tagapagsalita ng Davao City Police, iniimbestigahan na ang pagtakas ng tatlo na naganap noong Hunyo 16.
Hinihinala nilang gumamit ng lagari ang mga bilanggo upang sirain ang rehas para makatakas.
Patuloy naman na tinutukoy ng mga pulis kung paano nakalusot ang lagari at kung bakit hindi nakita ng jailer.
Ang tatlo ay may kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | Balisong News Team