
Patay ang isang 17-anyos na binata nang pagbabarilin ng lalaki na kapwa ring menor de edad sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod city noong Miyerkules.
Ayon sa hepe ng Police Station 8 na si Police Major Joery Puerto, pinabili umano ng suspek ang biktima ng solvent noong gabing iyon.
Gayunpaman, nabigo ang biktima na ibigay ang solvent sa suspek nang magkita sila sa harap ng isang shopping mall. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila na nauwi sa suntukan. Nagpunta ang suspek sa bahay ng kanyang kaibigan sa malapit para manghiram ng isang pen gun.
Bumalik ang suspek at nadawit muli sa isang alitan ang suspek at ang biktima hanggang sa pagbabarilin ng suspek ang biktima, Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima at kalaunan ay namatay sa isang ospital dito. Nakatakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Sinabi ni Puerto na ang biktima at ang suspek ay kabilang sa mga rugby boys na gumagala sa lugar. Ilang beses na silang binalaan ng mga pulis ngunit patuloy silang lumalabag sa oras ng curfew para sa mga menor de edad. | James Tiangco