fbpx

2 KABABAIHAN, HULING NAGNANAKAW SA ISANG MALL SA BATANGAS CITY

Kalaboso ang dalawang kababaihan matapos mahuling nagnanakaw ng ilang items, sa SM City Batangas nitong huwebes, Hunyo 30 bandang 5:10 ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Shiena Claire Sale, 21 taong gulang at Jane Salazar, 36 taong gulang.

Ayon sa ulat ng lady guard sa kapulisan, nag-plano ang dalawang suspek na makipagsabwatan sa isa’t isa at magpanggap na customer at tangayin ang apat (40) na pakete ng milk chocolate na nagkakahalaga ng Php 359.00 bawat isa at isang (1) piraso ng lotion na nagkakahalaga ng Php 410.00, na may kabuuang halaga na Php 1,846 mula sa boutique.

Dinala ang dalawang suspek sa Batangas CPS at nahaharap ngayon sa kaukulang kaso. | MARJORIE P. BAUTISTA

About Author