fbpx

Ben&Ben, KANSELADO ANG ISABELA TOUR SHOW MATAPOS MAGPOSITIBO ANG DALAWANG MIYEMBRO SA COVID-19

Sa Twitter, inanunsyo ng grupo ang pansamantalang pag-kansela sa concert nito sa Santiago, Isabela sa darating na July 2 matakaraang magpositibo sa COVID-19 ang dalawang miyembro ng banda; ang lead-singer Paulo Benjamin Guico at percussionist-vocalist Toni Munoz. 

Matatandaang naunang nagpositibo sa virus si Miguel Benjamin Guico na nakaranas ng mild symptoms at kalauna’y gumaling na rin—pahayag nito sa kaniyang Twitter account noong sabado, June 25.

Ayon sa grupo, kasalukuyan nang naka-isolate at nagpapalakas ang dalawa bago maglabas ng opisyal na pahayag sa kanilang official social media accounts. Sa darating na July 17, ay ang magiging final date para sa hinihintay na concert ng mga taga Isabela.

May upcoming big concert rin ang Ben&Ben, sa CCP Open Grounds ngayong September bago lumipad pa-Amerika at Canada para sa kanilang international tour. | JAIRO NIL A. PAGTALUNAN

About Author