Patay ang hepe ng Lian Municipal Police Station matapos mabangga ng minamaneho niyang sasakyan ang isang ten-wheeler truck sa Barangay Tulo sa Taal, Batangas nitong Miyerkules, ika- 29 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office 4A, kinilala ang biktima na si Police Major Amiel Bernardo Sanhi Jr.
Papunta umano ang hepe patungong Batangas City bandang 12:50 ng umaga, nang bumangga ito sa isang ten-wheeler truck.
Nagtamo ang hepe ng matinding pinsala sa buong katawan na kaagad namang dinala sa Batangas Provincial Hospital subalit idineklara rin siyang dead on arrival.
Ang driver naman ng truck ay kinilalang si Salvador Segfred. Samantala, patuloy pa din ngayon sa imbestigasyon ang mga pulisya tungkol sa nangyaring insidente. | ERIKA ENDAYA