Isang linggo bago opisyal na magbukas ang 2022 FIBA Asia Cup sa Indonesia, palaisipan pa rin sa mga pinoy fans kung sino nga ba ang tatayong coach ng Gilas Pilipinas— si Chot Reyes o si Nenad Vucinic.
Sa huling dalawang laro ng Gilas Pilipinas sa first-round ng Asian qualifiers, pinangunahan ni Vucinic ang koponan. Tangan ang ibang istilo, naging maganda ang resultang hatid ng Serbian mentor.
Gayunman, nananatiling official head coach ng Gilas si Chot Reyes matapos nitong palitan si Tab Baldwin noong Enero. Matatandaang si Reyes rin ang humawak sa koponan at nagtapos sa ikalawang pwesto sa SEA Games.
Wala pang opisyal na pahayag ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa naturang usapin. | via JAIRO NIL PAGTALUNAN