Naging matagumpay ang isinagawang Optical Mission ng lokal na pamahalaan ng Alitagtag, Batangas noong Lunes, Setyembre 5.
Tinatayang nasa 100 senior citizen at mag-aaral ng Alitagtag National High School at Alitagtag Senior High School ang nakatanggap ng libreng eyeglasses sa pakikipag-ugnayan ng Rotary Club of Youth Batangueño, Konsehal Paul Joshua Alcaraz, at Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. – Batangas Chapter.
Ayon kay Mayor Edilberto Ponggos, pinili ng lamang ng mga asosasyon sa mga Presidente ng Senior Citizen sa bawat barangay at mga punong guro ng nasabing paaralan para sa mga magiging benepisyaryo ng kanilang Optical Mission dahil sa limitadong bilang ng eyeglasses.