Nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal ng Pilot Testing ng Nutribun Feeding Program na may layuning matugunan ang malnutrisyon sa bansa nitong ika-11 ng Setyembre.
Buong suporta ang ibinigay ni Senator Imee Marcos kasama si Rizal Governor Nina Ynares sa bayan ng Teresa upang pangunahan ang distribusyon ng nutribuns sa mga batang edad 3 hanggang 5 taong gulang.
Upang masiguro ang maayos na implementasyon ng programa ay tututukan at sasailalim sa monitoring ng health officers at nutrition scholars ang mga batang kalahok sa programa. Babantayan ang kanilang mga timbang at pagbabago sa kalusugan sa tulong ng mas pinasustansyang nutribuns.
Ang Nutribun Feeding Program ay muling isinusulong ni Senator Marcos upang labanan ang malnutrsiyon sa bansa. Ito ay gawa sa kalabasa, malunggay at iba pang mga masusustansyang gulay.