Patay ang isang cobra matapos kagatin ng isang 8-anyos na bata nitong Lunes Oktubre 31, 2022.
Sa ulat ng New Indian Express, naglalaro sa bakuran ang isang bata na nakatira sa bayan ng Pandarpadh sa Central India nang biglang lumabas ang isang ahas.
Sa salaysay ng bata, mabilis umanong pumulupot ang cobra sa kamay ng bata hanggang sa tuklawin nito ang paslit.
Sinubukan pa nitong ipagpag ang kanyang kamay upang makawala sa cobra, pero matindi ang kapit nito.
Kaya naman naisipan kagatin ng bata pabalik ang cobra ng dalawang beses.
Dahil sa ginawang pagkagat ng bata ay namatay ang cobra. Agad naman isinugod sa ospital ang bata para maturukan ng anti-venom.
Ayon pa sa awtoridad, ang bata ay naka-recover mula sa kagat ng ahas nang mabilis at hindi nagpakita ng anumang mga sintomas.
Ligtas na ang bata dahil ito ay isang “dry bite” kung saan nangangahulugang walang venom na nailipat sa kanyang kamay.