fbpx

17-TAONG GULANG NA DALAGA, HINALAY NG SARILING AMA SA LOOB NG HALOS 12 TAON

TRIGGER WARNING | Bagsak sa kulungan ang isang ama dahil sa panggagahasa at pangmomolestiya nito sa sariling anak sa loob ng halos 12 taon sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Ayon sa salaysay ng biktima, halos limang taong gulang pa lamang nang una siyang halayin ng kanyang ama at huli namang nangyari ang panggagahasa nito lamang Undas.

Natakot na magsumbong ang biktima na ngayon ay nasa 17 taong gulang na dahil pinagbabantaan ito ng ama na papatayin ang kanyang ina at mga kapatid sa oras na siya ay magsumbong.

Saad pa ng biktima sa kapulisan na noong mga buwan ng Mayo, Agosto at Oktubre ngayong taon ay paulit-ulit siyang ginahasa ng kanyang ama at nito lamang mga araw ng Nobyembre hinalay muli ng suspek.

Dahil hindi na matiis ng biktima ang pangmomolestya ng kanyang ama ay nagpasya ito na magsumbong sa kanyang lola at kanyang mga kamag-anak na nasa Santiago City, Isabela kung saan mabilis namang nakipag-ugnayan sa ina at kaanak ng biktima at nagsumbong sila sa pulisya.

Matapos matanggap ng kapulisan ang sumbong ay agad nilang inimbestigahan at dinakip ang suspek.
Narekober ng awtoridad sa suspek ang isang baril, dalawang bala, isang hand grenade at ilang gramo ng marijuana.

Sa ngayon, nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek.

About Author