fbpx

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAKITAAN NG BARIL SA BAUAN BATANGAS

Isang lalaki ang inaresto matapos mahulihan ng baril habang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng Bauan Municipal Police Station dakong alas 3:00 ng madaling araw ngayong Nobyembre 12, 2022.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, namataan nila ang isang lalaki sa La Correa St., Brgy. Poblacion 2, Bauan, Batangas at nang kanilang sitahin ay nakitaan ito ng baril na nakaumbok sa kanyang bewang.

Wala rin maipakitang lisensya ng baril o ano mang dokumento ang naturang hinuling lalaki.

Narekober mula sa sa kanya ang isang kalibre 45 na may serial number 253870 na baril, mga bala at magazines.

Kinilala ng kapulisan ang nahuling si Rayan Barro, 41 taong gulang, walang trabaho, tubo at residente ng Brgy. Cupang, Bauan, Batangas.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

About Author