fbpx

SEN. ROBINHOOD PADILLA, NAIS GAWING LEGAL ANG PAGGAMIT NG ILIGAL NA DROGA

Inirekomenda ni Sen. Robinhood Padilla na gawin nang legal ang paggamit ng iligal na droga, kung hindi mababawasan ng gobyerno ang bilang ng mga drug user o adik sa bansa.

Ipinahayag ito ng senador matapos magtanong si Sen. Bato dela Rosa sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, kung kakayanin ng Pilipinas na mag-eksperimento sa decriminalization ng drug use at kung magbebenepisyo o hindi ang bansa.

Ayon kay Dela Rosa, nilalangaw na aniya ang maraming rehabilitation center sa Pilipinas dahil ang mga nahuhuling gumagamit ng iligal na droga ay ipinapasok agad sa kulungan imbes na ipasok sa rehab.

Tutol naman ang Dangerous Drug Board (DDB) na i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga base sa isinumite nilang position paper, ayon kay Dela Rosa.

Umani din ng negatibong reaksyon ang panukala nina Sen. Padilla at Sen. Dela Rosa.

About Author