fbpx

Batang 2 araw na nawawala lumutang sa kanal sa Bulacan

Isang 6-anyos na batang lalaki ang napaulat na dalawang araw nang nawawala matapos lumutang ang bangkay nito sa irrigation canal sa bayan ng San Miguel, Bulacan bandang 7:50 ng umaga nitong Miyerkules,

Sa report ng pulisya, nakatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen bandang 8:20 ng umaga ng araw na iyon na may nakitang bangkay ng batang lalaki sa lugar.

Dahil dito, agad tumungo ang mga pulis kasama ang San Miguel Rescue sa lugar para beripikahin ang naturang impormasyon hanggang sa tumambad sa kanila ang bangkay.

Ayon sa ulat, nawawala ang biktima simula noong Lunes pa matapos magpaalam sa kanyang ama na maglaro sa labas ng kanilang bahay.

Patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang ang bangkay ay isasailalim naman sa autopsy.

About Author