Bagsak sa kulungan ang apat na katao matapos makuhanan ng pitong libong (7k) gramo ng marijuana bricks sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad dakong 9:00 ng gabi nitong Nobyembre 25 sa Montalban RizaL.
Kinilala ng otoridad ang mga nadakip na sina John Patrick Antonio, Julius Manuel Diaz kapwa nasa drug watchlist, Dan Aaron Ocampo at John Aries Ignacio.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakumpiska sa mga ito ang marijuana na nasa 7,000 grams at may halagang P840,000.00, P1,000 cash at anim (6) na tag P1,000 boodle money kabilang ang P500 peso na buybust money.
Nasa kustodiya ng pulisya ang apat (4) na suspek at mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002