fbpx

Construction worker, patay matapos matabunan sa hinuhukay na lupa

Isang construction worker ang nasawi makaraang itong matabunan ng lupa sa mismong kanyang pinaghuhukayan sa Barangay 1, San Lorenzo, Laoag City kamakailan.

Ayon sa ulat ng pulisya, naghuhukay umano ang biktima sa ginagawang pundasyon ng isang gusali ng Data Center College of the Philippines nang maganap ang insidente.

Batay sa otoridad, posibleng umanong lumambot ang lupa na may sampung talampakang lalim kung saan naghuhukay ang biktima, at biglang gumuho ito na agad siyang natubunan.

Ayon pa sa pulisya, may isa pang construction worker ang natabunan ngunit agad itong nailigtas dahil kalahati lang ng katawan nito ang nabaon sa lupa.

About Author