Nagbago ang isip ni Senador Bato Dela Rosa na hindi na itutuloy ang panukala sana nitong i-decriminalize ang paggamit ng iligal na droga.
Ayon sa pahayag nito, malaki ang tsansa na isipin ng publiko na “okay” lang ang paggamit ng iligal na droga hangga’t hindi nagiging pusher, trafficker o manufacturer.
Matatandaang ipapanukala sana ito ni Bato uapang mabawasan aniya ang dami ng mga nakakulong sa mga piitan.
Paliwanag niya, ang drug users ay dadalhin na lang sa mga rehabilitation center at tugunan ang drug addiction bilang isyu sa kalusugan sa halip na isang usapin sa pagpapatupad ng batas.