fbpx

Vhong Navarro, tapos na sa quarantine, inihalo na sa ibang preso

Isinama na sa iba pang inmates sa selda ang TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos ang quarantine nito sa Taguig City Jail Male Dormitory sa Camp Bagong Diwa.

Matatandaang natapos ang quarantine ng aktor  nitong Lunes kaya nakadetine na umano ito kasama ng iba pang persons deprived of liberty (PDLs).

Ayon sa ulat, wala paumanong inilalabas na desisyon kung may nakitang basehan sa naunang pahayag ng kampo ng tv-host na nanganganib ang buhay nito sa loob ng naturang piitan.

Saad ng kampo ng tv-host, nakatanggap umano ng pagbabanta ang misis nito sa pamamagitan ng text message kung saan nakasaad na inaabangan na ng ilang grupo sa Taguig City Jail ang pagpasok nito sa selda.

Samantala, wala pa ring desisyon ang korte sa petition for bail and provisional liberty from detention na isinampa ng kampo ni Vhong.

About Author