Makakatanggap ng tig-P500 ang mahihirap na pamilya sa bansa, matapos magalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng halagang P5.2 bilyon upang mapondohan ang isang buwan na TCT program ng DSWD.
Sa isang pahayag, sa halagang P5.2 bilyon sa DSWD noong Nobyembre 17, 2022. Ang pondo ay hinugot sa Unprogrammed Appropriation.
Ang nilabas na pondo ay bahagi ng third tranche ng TCT program kung saan tinatayang 9.8 milyon ang mabibiyayaan.
Sa naturang programa, P500 kada buwan sa loob ng anim na buwan ang ibibigay sa mahihirap na pamilya bilang pangontra sa epekto ng pagtaas ng produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin sa bansa.