Hinatulan na ng Sandiganbayan 7th Division ang dating Quezon City councilor na si Roderick Paulate matapos mapatunayan guilty sa kasong may kaugnayan sa pag-hire niya ng mga ghost employees taong 2010.
Posible makulong ng 10 taon at anim na buwan, o 62 taon sa lahat ng kaso ang comedian actor.
Bukod pa sa pagkakakulong, hinatulan din ng perpetual disqualification from public office si Roderick, kung saan ipinagbabawal na siyang humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.
Pinagmumulta din ang aktor ng P10,000 sa bawat count ng falsification case.
Magugunitang noong 2018 ay nagpiyansa na si Roderick para pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kanyang patong-patong na kaso.