Patuloy na isinusulong ngayon ng pamahalaang lungsod ng Sto. Tomas sa Batangas ang mga programa nitong naglalayong makapagbigay ng wastong nutrisyon para sa bawat mamamayan sa kanilang lugar.
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pamamahagi ng Supplementary Feeding Supplies para sa 64 batang Underweight at 84 Nutritionally At Risk Pregnant Women bilang bahagi ng kanilang Dietary Supplementation Program and Micronutrient Supplementation Program.
Kabilang sa mga feeding supplies na kanilang ipinamahagi ay ang Nutribun, Fortified Water, Nutri Oats, Nutri Milk, at Vitamins para sa mga pre-schooler, habang Maternal Milk at Nutribun naman ang ibinigay para sa mga buntis.