Arestado ng mga awtoridad ang dalawang most wanted persons sa Calabarzon nitong Biyernes, Disyembre 2.
Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek ay kinilalang sina Arnante Domingo, na itinuturing na 10th most wanted person ng Police Regional Office sa Calabarzon.
Inaresto si Domingo sa ikinasang operasyon sa Barangay 7 Panungyanan sa General Trias City, Cavite nitong Huwebes, Disyembre 1 at si Jeffrey Moscosa sa Barangay Luzviminda 2, Dasmariñas City, Cavite nitong Miyerkules.
May standing arrest warrant ang suspek ng two counts of rape noong Nobyembre 8.
Samantala, mayroon naman na dalawang standing arrest warrants si Moscosa sa San Pedro, Laguna at Quezon City. Pawang nasa kustodiya na ang mga inarestong suspek.