fbpx

Mga employer na wala pang 13th month pay, handang tulungan ng DOLE

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga nagnenegosyo na walang exemption sa pagbibigay ng 13th month pay para sa kanilang mga empleyado.

Ayon kay Labor Secretary Benny Laguesma, kahit may mga hindi pa gaanong nakakabangon sa pagnenegosyo dulot ng pandemya, ay hindi nangangahulugan na exempted na ang mga  ito sa pagbabayad ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Nilinaw din ng kalihim, dapat bayaran ng mga pribadong employer ang 13th month pay ang kanilang manggagawa na hindi lalagpas sa Disyembre 24. Ang pagbabayad kasi ng 13th month pay ay batay sa Labor Code of the Philippines at mga patakaran at regulasyon sa pagpapatupad nito.

About Author