fbpx

1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run sa Quezon

Nasawi

Dead on the spot ang babaeng angkas habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo sa nangyaring hit-and-run incident sa Maharlika Highway, Candelaria, Quezon dakong alas 2:30 ng madaling araw ng Sabado, Disyembre 3.

Kinilala ng otoridad ang driver ng motor na si Margeon Maghirang, 30-anyos habang ang angkas nito na babae ay hindi pa nakikilala.

Ayon sa ulat ng pulisya, nabangga ang mga ito ng isang sasakyan na agad ding tumakas.

Nagtamo naman ng grabeng pinsala sa katawan ang isang biktima, na napag-alaman na hindi nakasuot ng helmet.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nangyaring insidente.

About Author