fbpx

Lalaki na namasok ng bahay sa Batangas, patay matapos manlaban sa mga pulis

Patay ang isang 47-anyos na kawatan makaraang manlaban at tumanggi itong sumuko sa mga pulis nang pasukin nito ang isang bahay at mang-agaw ng cellphone sa Batangas City kamakailan.

Kinilala ng otoridad ang suspek na si Geronimo Rivera, residente ng Brgy. Sta. Clara, Batangas City habang ang biktima ay si Joseph Bunquin.

Batay sa ulat ng pulisya, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima habang may hawak itong itak at inagaw ang cellphone nito.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa kapulisan ngunit nakaripas na ng takbo ang suspek nang dumating ang mga otoridad.

Hinabol ito ng mga pulis at kinausap pa para sumuko ngunit tinangka umano nitong manlaban, dahilan para paputukan ang suspek. Samantala, nadala pa sa ospital ang suspek ngunit idineklara din itong dead on arrival sa ospital.

About Author